MGA ISYUNG GENDER AND DEVELOPMENT SA MGA DULANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG CARLOS PALANCA
Creators
Description
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibo at deskriptibo na pananaliksik sa larangan ng panitikan upang mailarawan ang katangian ng bawat dulang sinuri. Ginamit dito ang pang-aanalisang pangnilalaman upang matukoy ang mga isyung Gender And Development na nakapaloob sa mga dula kagaya ng: limitasyong pang ekonomiko, pang-aabuso sa mga kababaihan, subordinasyong pulitikal, balakid sa kaunlaran ng pagkatao, gender stereotyping at iba’t ibang pang pasanin. Nilayon ng pag-aaral na suriin ang mga isyung GAD sa mga dula at sinikap na matugunan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang mga isyung GAD o isyung kasarian at kaunlaran sa bawat dulang sinuri? 2. Gaano kadalas mabanggit ang mga isyung GAD na nakapaloob sa dulang nanalo ng Gantimpalang Carlos Palanca sa Dekada 80? 3. At ano ang pinakamadalas mabanggit na isyung GAD sa mga dulang nanalo ng Gantimpalang Carlos Palanca sa Dekada 80? Ang naging sampol ng pag-aaral ay ang mga sumusunod na sampung (10) dula: Isang Gabi sa Beerhaus ni Wilfredo S. Victoria (1980); May Isang Sundalo ni Rene O. Villanueva (1981); Barkada ni Bienvenido Noriega Jr. (1981); Nana ni Rene O. Villanueva (1982); Liwanag sa Karimlan ni Roberto de Jose Guzman (1983); Punla ng Dekada ni Rene O. Villanueva (1984); Sa Ngalan ng Ama ni Roberto Jose de Guzman (1985); Haplos ng Dahas ni Roberto Jose De Guzman (1986); Asawa ni Rene O. Villanueva (1987) at Gamugamo sa Kanto ng East Avenue ni Rolando S. dela Cruz (1989). Natuklasan na lahat ng mga isyung GAD ay nakapaloob sa lahat ng mga dulang sinuri ngunit hindi lahat ng anim (6) na isyu ay nakapaloob sa bawat dula. Nalaman din na sa anim na isyung GAD, ang isyung pang-aabuso sa kababaihan ang higit na nangibaba. Ang dulang Sa Ngalan ng Ama ni Roberto Jose de Guzman (1985) ang nagtaglay ng pinakamaraming isyu.
Files
Files
(28.9 kB)
Name | Size | Download all |
---|---|---|
md5:70a68b0afa2d19f18ff6cd1afd78a3cd
|
28.9 kB | Download |