KAMALAYANSA MGA PILING ALAMAT SA BAYAN NG PAGBILAO AT KASANAYAN SA PAGSULAT NG BUOD
Creators
- 1. Laguna State Polytechnic University,Brgy.Del Remedio,San Pablo City Campus
Description
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang Kamalayan sa mga piling Alamat sa bayan ng Pagbilao at Kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag-aaral.Sinikap na sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:1.) Ano ang profayl ng mga tagasagot batay sa edad,kasarian at tirahan;2.)Ano ang kamalayan ng mga tagasagot sa mga piling alamat sa bayan ng Paagbilao batay sa: Nilalaman; Kasaysayan,Pangyayari at Diwang-taglay;3.) Ano ang kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng buod batay sa:Kaisahan;Kaugnayan at Mekanismo ng Pagsulat batay sa paggamit ng malaki at maliit na titik,paggamit ng bantas,pagbabaybay o ispeling at paghahati ng salita;4. May makabuluhang kaugnayan ba ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag-aaral;5.)May makabuluhang kaugnayan ba ang kamalayan sa mga piling alamat sa bayan ng Pagbilao sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag-aaral?Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong pamamaraan upang madaling makuha at mailarawan ang mga datos na kailangan sa pananaliksik.Ang mga tagasagot ay may kabuuang bilang na isandaan (100) mula sa ikawalong baiting pangkat Binasuan,Cariñosa,Pandanggo,Polakabal at Tinikling.Batay sa resulta tungkol sa kamalayan ng mga tagasagot sa mga pling alamat sa bayan ng Pagbilao batay saNilalamanay nakapagtamo ng kabuuangmean na 3.40 at Sd na 0.15 ;Kasaysayanna may kabuuang mean 3.25 at Sd na 0.43;Pangyayari na may kabuuang mean na 3.40 at Sd na 0.42 at sa Diwang-taglay na may kabuuang mean na 3.30 at Sd 0.41 na nagpapakitang sumasang-ayon ang mga tagasagot.Sa kinalabasan tungkol sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa kaisahan ay may kabuuang 26 (26%) na tugon ang may pinakamahusay, sa kaugnayan ay may kabuuan na 23 (23%) na tugon ang mas mahusay at sa mekanismo ng pagsulat ay may kabuuang 6 (6%) na tugon ang nakakuha ng pinakamahusay.Batay sa pag- aaral na isinagawa, natuklasan ng mananaliksikna tanggap ang unang hinuha sa pag-aaral na ito sapagkat walang makabuluhang kaugnayan ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga magaaral samantalang tanggap ang ikalawang hinuha na walang makabuluhang kaugnayan ang kamalayan ng mga piling alamat sa bayan ng Pagbilao sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag- aaral.Iminumungkahi ng mananaliksik na ipagpatuloy pa rin ang pagbabasa ng alamat na nagmula sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa upangmagkaroonkamalayan sa mga uri ng lokalna materyalna babasahin at mapaunlad ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng buod.Sa huli, iminumungkahi ng mananaliksik na magsagawa ng mga pasulat na gawain ng iba’t ibang komposisyon o pagbubuod ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad ang antas ng kasanayan sa pagsulat.
Files
177. Kamalayan sa mga Piling Alamat sa Bayan ng Pagbilao at Kasanayan sa Pagsulat ng Buod.pdf
Files
(168.0 kB)
Name | Size | Download all |
---|---|---|
md5:6a9941f44d27507573491b77a074b419
|
168.0 kB | Preview Download |