Published May 10, 2025 | Version v1
Journal article Open

PANANAW SA KAKAYAHAN NG PAGTUTURO NG GURO AT PAGPAPAHALAGA SA ASIGNATURANG FILIPINO BILANG PAGTUKOY SA INTERES SA PAGKATUTO NG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL

Description

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang ugnayan sa pagitan ng pananaw ng mga mag-aaral sa kakayahan ng kanilang guro sa Filipino at ang kanilang interes sa pag-aaral ng asignaturang ito sa St. Peter's College of Toril, Inc. Layunin nitong alamin kung paanong ang estratehiya ng guro, pagganyak sa pagtuturo, at kahusayan sa nilalaman ay nakaaapekto sa partisipasyon, kagustuhang matuto, at akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Isinagawa ang pananaliksik gamit ang deskriptibong korelasyonal na disenyo, kung saan gumamit ng survey upang mangalap ng datos mula sa mga mag-aaral sa Junior High School. Ang nakalap na datos ay sumailalim sa korelasyon at regression analysis upang matukoy ang antas ng ugnayan at epekto ng mga variable. Ipinakita ng resulta na may katamtamang positibong ugnayan (r = .468) sa pagitan ng pananaw sa kakayahan ng guro at interes sa Filipino, at may mataas na positibong ugnayan (r = .739) sa pagitan ng pagpapahalaga sa Filipino at interes sa asignatura. Sa regression analysis, napatunayang may makabuluhang epekto ang parehong kakayahan ng guro (B = 0.519, p = 0.000) at pagpapahalaga ng mag-aaral (B = 0.810, p = 0.002) sa kanilang interes. Ipinapahiwatig ng mga resulta na mahalagang palalimin pa ang estratehiya ng pagtuturo at palaganapin ang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino upang mapataas ang interes at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral. Ang mga natuklasan ay maaaring gamitin bilang batayan sa pagbuo ng mas epektibong mga metodolohiyang pang-edukasyon para sa asignaturang Filipino.

Files

INTERES SA PAGKATUTO.pdf

Files (557.0 kB)

Name Size Download all
md5:7bdad2523af156f80ecd3e5fd2c0ad04
557.0 kB Preview Download