EPEKTO NG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO 8
Creators
Description
Ang pag-aaral na ito ay naglayon na matukoy ang epekto ng paggamit ng social media sa performance sa Filipino 8 ng mga mag-aaral at makabuo ng mga Alituntunin sa wastong gamit ng social media sa proseso ng pagkatuto-pagtuturo. Gumamit ng pamamaraang descriptive correlation upang maipakita ang kaugnayan at pagkakaiba sa pananaw ng mga guro at mag-aaral hingil sa epekto ng paggamit ng social media sa performance sa Filipino 8 ng mag-aaral. At mayroong 246 na mag-aaral at 16 na guro ang kinailangan sa pag-aaral dahil gumamit ng Random Sampling ang mananaliksik. Sa pagsusuri ng datos, gumamit ng arithmetic mean, Chi square test, Mann- Whitney naman para sa pagsuri ng kaibahan sa pagitan ng pananaw ng guro at mag-aaral. Batay sa lumabas na resulta, natuklasan na karamihan ng mag-aaral ay very satisfactory ang antas ng performance sa asignaturang Filipino. Nakapagtala rin ng 10 social media platform na ginagamit ang mag-aaral. Pinakamadalas gamitin ang Tiktok. Mayroong makabuluhuhang ugnayan ang academic performance at dalas ng gamit ng mga mag-aaral sa social media sa kanilang pag-aaral. Mas mataas ang marka ng mag-aaral na gumagamit madalas ng social media. Kaugnay nito, mayroong natukoy na tig-16 na mabuti at masamang epekto sa paggamit ng social media sa performance sa filipino 8 ng mga mag-aaral at guro. Karagdagan nito, walang makabuluhang pagkakaiba-iba ang pananaw ng mga mag-aaral at guro sa epekto ng paggamit ng social media sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay nakabuo ng 9 na alituntunin sa wastong gamit ng social media sa proseso ng pagkatuto-pagtuturo. Layunin ng alituntunin na matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at guro sa wastong gamit ng social media upang maiangat ang kalidad ng edukasyon hinggil sa proseso ng pagkatuto-pagtuturo.
Files
SOCIAL MEDIA SA FILIPINO.pdf
Files
(348.4 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:667dfbb5c716f7cde48490ee5c92ffe3
|
348.4 kB | Preview Download |