PAGGAMIT NG GAMIFICATION TOOLS SA INDIBIDWAL AT KOLABORATIBONG GAWAIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 7
Creators
Description
Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga ginagamit na gamification tools sa indibidwal at kolaboratibong gawain, ang preperensiya na gamification tools na gustong gamitiin ng guro sa pagtuturo, bentahe, kabisaan, at hamon ng paggamit ng gamification tools. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwantitatibong-deskriptibong metodo. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang pinakaginagamit ng mga guro na gamification tool para sa indibidwal ay Quizizz, Wordwall, at Classpoint. Sa Kolaboratibong gawain naman ay katulad ng Wordwall, Quizlet, Raptivity at Quizizz. Mapapansing hindi nagkakalayo ang naging resulta sa preperensiyang pinili ng guro at mag-aaral sapagkat ayon sa kinalabasan ng pag-aaral ang mga pinakagustong gamification tool ng guro at mag-aaral ay ang Kahoot, Quizizz, Wordwall at Classpoint. Karagdagan pa sa natuklasan sa pag-aaral, ang bentahe ng paggamit ng gamification tool ay nasusuri ng mga mag-aaral ang kanilang dating kaalaman,nagkakaroon ng tiwala sa kanilang sarili at nagagawa nilang intindihin ang mga aralin, makipagpalitan ng ideya, napapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kritikal na pag-iisip. Sa kabilang banda naman naging mabisa din ang paggamit ng gamification tool sapagkat ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng ganap na pagkatuto,napananatili sa matagal na panahon ang kanilang natutuhan, napauunlad ang kanilang partisipasyon sa klase at mataas ang kanilang nakukuhang iskor sa pagsusulit maging sa kanilang performans task. Ilan din sa lumabas na hamon sa paggamit ng gamification tool sa panig ng guro ay ang kahinaan ng internet koneksyon, pagpili at paghahanda ng gamification para sa tiyak na aralin. Batay sa mga resulta ng pag-aaral na ito, inirerekomenda ng mananaliksik na yakapin at dalasan pa ng mga guro ang paggamit ng gamification tools sapagkat marami itong bentahe at bisa sa pagtuturo maging sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Files
PAGGAMIT NG GAMIFICATION TOOLS.pdf
Files
(492.8 kB)
Name | Size | Download all |
---|---|---|
md5:35ba64374c0e9695e707b58639c4e3f4
|
492.8 kB | Preview Download |