Published July 26, 2024 | Version v1
Journal article Open

E-Learning: Pananaw ng mga Magulang sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

  • 1. Graduate School, Baguio Central University, Baguio City, 2600, Cordillera Administrative Region, Philippines

Description

Layunin ng pag-aaral na masuri at malaman ang pananaw ng mga magulang sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang E-Learning. Ang pananliksik na ito ay isinagawa sa Loakan-Apugan, Baguio City ginamit ang deskriptibong penomenolohikal at kwalitatibong panaliksik na may kalahok na pitong (7) magulang na napili sa pamamgitan ng convenience sampling.  Sa pangangalap ng mga datos, ang ginamit ng mga mananaliksik ay ang gabay ng pakikipanayam. Ang mga natuklasan na kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Ang E-Learning ay isang alternatibong pamamaraan sa pagtuturo at ito ay makabuluhan sa pagkatuto at pagganap sa mga aralin ng mga mag-aaral; magkasalungat ang pananaw ng mga magulang sa paggamit ng E-Learning sa pananaw ng ibang magulang ito ay nagsisilbing inobasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Mga konklusyon sa kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Karamihan sa pananaw ng mga magulang na kalahok ay nagbigay ng kalamangan (advantages) sa paggamit ng E-Learning sa pagkatuto ng kanilang mga anak gamit ang mga gadyet ay nabibigyan ang kanilang mga anak ng pagkakataon na makapag-aral kahit saan sila naroroon at madaling makakuha ng mga impormasyon tungkol sa kanilang aralin; Halos magkakapareho ang dalawang kalahok na ang mahinang internet connection ay nagdudulot din ng suliranin sa pagkatuto dahil sa hindi makakakuha ng malakas na signal sa mga ilang na lugar; Ang mga ibang kalahok ay kawalan (disadvantages) ang paggamit ng E-Learning sa pagganap ng kanilang mga anak dahil sa usaping epekto sa pangkalusugan dahil sa tagal ng oras na nakalantad sa radiation mula sa mga gadyet at kompyuter.

Files

V4I716.pdf

Files (471.4 kB)

Name Size Download all
md5:6066ca5925f9942ea17827f38fb156c9
471.4 kB Preview Download