Published June 8, 2024 | Version v1
Journal article Open

Tiktok: Gamit sa Makrong Kasanayan ng Pagsasalita ng mga Mag-aaral

Description

Layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy at suriin kung makabuluhan ang paggamit ng Tiktok sa paglinang ng makrong kasanayan sa pagganap sa pagsasalita.  Ang pag-aaral ay isinagawa sa Rizal National High School, Baguio City sa panuruang 2023-2024 na may dalawampu’t isa (21) na bilang ng tagatugon na mag-aaral sa Grade 8.  Ang pananaliksik ay isinagawa gamit ang pamaaraang deskriptibo at disenyong quasi-eksperimental, kung saan nagkaroon ng pre-test sa pamaraang tradisyunal na isahang pagsasalita at sa post-test na ginamit ang pamamaraang Tiktok. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: 1) Ang antas ng kasanayan sa pagganap sa makrong pagsasalita ng mga mag-aaral gamit ang tradisyunal na pamamaraan sa pre-test ay may katumbas na pagpapaliwanag na “Lubhang Kasiyasiya” ang pagganap ng mga mag-aaral; 2) Ang antas ng kasanayan sa makrong pagsasalita ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin ang Tiktok sa post-test ay “Mahusay” ang pagganap. Dahil sa mga kinalabasan nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1) Natututo pa rin ang mga mag-aaral gamit ang tradisyunal na pamamaraan kahit kailangan na paunlarin ang kasanayan sa intonasyon at diin sa kasanayan sa pagsasalita; 2) Higit na natuto ang mga mag-aaral sa makrong kasanayan sa pagganap sa pagsasalita gamit ang Tiktok dahil mas tumaas ang kalinawan at wastong pagbigkas ng mga mag-aaral; at 3) May makabuluhang pagkaka-iba sa pagganap at lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang paggamit ng Tiktok sa makrong kasanayan sa pagsasalita.

Files

V4I537.pdf

Files (545.2 kB)

Name Size Download all
md5:dd1ef41ef8ec839776a43903b2b40cac
545.2 kB Preview Download