PHONO-SYLLABIC NA KAGAMITAN SA PAGTUTURONG FILIPINO SA UNANG BAITANG AT ANG KASANAYANSA PAGBASA
- 1. Bayanan Elementary School Unit 1, Muntinlupa City, Philippines
- 2. Laguna State Polytechnic University, San Pablo City, Laguna, Philippines
Description
Ang pagbasa ay isang kritikal na aspeto na karapat-dapat bigyan ng pansin at pagpapahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng mag-aaral sa paglipas ng panahon. Layon ng pag-aaral na ito na mabatid ang kaugnayan ng paggamit ng Phono-syllabic na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino at ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral tulad ng pagkilala ng letra, pagbigkas ng tunog at pormasyon ng pantig. Ang mga respondente ay may kabuuang bilang na apatnapung (40) mag-aaral na magmumula sa Mababang Paaralan ng Bayanan Unit 1 sa Muntinlupa City. Gumamit ng cluster random sampling ang mananaliksik sa pagpili ng mga respondenteupang maging madali ang pagsasagawang pag-aaral at pangangalapng datos dulot ng pandemya. Ang disenyong eksperimental ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito upang malaman ang kaugnayan ng hindi malayang baryabol sa malayang baryabol ng naisagawang pag-aaral. Nagsagawa ng pauna at panapos na pagsusulit upang makalap ang mga marka sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag- aaral. Alinsabay nito ay nagbigay ang mananaliksik ng talatanungan sa mga magulang ng tagasagot upang malaman ang antas ng pagtanggap batay sa ipinapakita ng kanilang mga anak sa pagtuturo ng kasanayan sa pagbasa. Batay sa resulta ng pagsasaliksik, mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa pre-test at post-test ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin ang Phono-syllabic na kagamitan at mayroong makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng Phono-syllabic na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Iminumungkahi ng pag-aaral na patuloy na gumamit ang mga guro ng mga kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino at makatulong sa iba’t ibang kasanayan ng mga mag-aaral. Gayundin ang pagbuo ng mga kagamitang babasahin upang mas mapaunlad ang kakayahang makabasa ang mga mag-aaral at makamit ang mga kasanayan sa pagbasa
Files
136. Phono-Syllabic na Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Unang Baitang at ang Kasanayan sa Pagbasa.pdf
Files
(121.9 kB)
Name | Size | Download all |
---|---|---|
md5:bac1ba3699e2dd602273a4cb6faac495
|
121.9 kB | Preview Download |