PAGGAMIT NG STORY MAP SA PAGTUTURO NG FLORANTE AT LAURA AT MGA KASANAYAN SA PAGBUO NG HINUHA
Description
Ang pag-aaral na ito na may pamagat na” na inihanda ni bilang bahagi ng mga kailangan sa pagtamo ng digri ng PAGPAPAKADALUBHASA SA SINING NG EDUKASYON, MEDYOR SA FILIPINO. Naniniwala ang mananaliksik na magiging mahalaga ang pag-aaral na ito,sapagkat magiging kapakipakinabang sa mga mag-aaral, guro at sa mga susunod pang mananaliksik.layunin ng pag-aaral na ito na mapalawak ang karanasan ng mga mag-aaral batay sa interaktibong estratehiya upang maging makabuluhan ang pagkatuto at upang maisakatuparan ang layuning mahubog ang kasanayan sap ag-unawa.isa sa napansin ng gurong mananaliksik sa pagkatutong modyul bilang learning delivery ng paaralan ay ang suliranin hinggil sa mababang kasanayan sa pagbuo ng hinuha bilang isa sa mga ksanayan sa paghubog ng kritikal na pag-iisip. Katanggap-tanggap ang paggamit ng story map sa pagtuturo ng Florante at Laura batay sa layunin average mean na 3.31. Gayundin, Lubhang katanggap-tanggap naman ang paggamit ng grapikong pantulong na ito batay sa nilalaman na may average mean na 3.57; katanggap-tanggap ito batay sa kaangkupan na may average mean na 3.32 samantalang katanggap-tanggap din ito batay sa kawastuhan na may average mean na 3.36. Higit na mas marami ang mga mag-aaral na may katamtamang kasanayan sa pagbuo ng hinuha bago gamitin ang story map. Sa katunayan, pawang may 71 o 87% ang nasa katamtamang kasanayan sa pagpapaliwanag ng mga pahiwatig, paghuhula sa kalalabasang pangyayari at pagsasaalang-alang sa mekanismo ng pagsulat. Sa mga kasanayan sa pagsulat pagkatapos gamitin ang story map, natuklasang mas dumami ang nasa mahusay na kasanayan sa pagpapaliwanag sa mga pahiwatig at sa paghuhula sa kalalabasang pangyayari na may parehong bilang na 64 o 78% samantalang mayroong 66 o 80% naman sa pagsasaalang-alang sa mekanismo ng pagsulat. Mayroong makabuluhang kaugnayan at mayroong makabuluhang pagkakaiba ang mga iskor sa tatlong (3) baryabol bago at pagkatapos gamitin ang story map batay sa layunin, nilalaman, kaangkupan at kawastuhan sa mga kasanayan sa pagbuo ng hinuha, pagpapaliwanag sa mga pahiwatig, paghuhula ng kalalabasang pangyayari at pagsasaalang-alang sa mekanismo ng pagsulat. Mayroong makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng story map batay sa layunin, nilalaman, kaangkupan at kawastuhan sa mga kasanayan sa pagbuo ng hinuha maliban sa kaangkupan at pagpapaliwanag sa mga pahiwatig mula sa r. value na -0.023 at sa kawastuhan at sa pagpapaliwanag pa rin ng mga pahiwatig na may r. value na -0.041. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, lumalabas na: Ditanggap (rejected) ang unang panimulang haka o haypotesis ng pag-aaral na ito sapagkat napatunayang mayroong makabuluhang pagkakaiba ang mga iskor sa tatlong (3) baryabol bago at pagkatapos gamitin ang story map. Di-tanggap (rejected) ang ikalawang haka o haypotesis sapagkat malinaw na ipinakikitang mayroong makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng story map sa pagtuturo ng Florante at Laura sa kasanayan sa pagbuo ng hinuha ng mga mag-aaral maliban sa baryabol na kaangkupan at kawastuhan at pagpapaliwanag sa mga pahiwatig. Batay sa mga nabuong kongklusyon sa pag-aaral na ito ay malugod na iminumungkahing: Patuloy na gamitin ang story map lalo na ngayong panahon ng pandemya at nasa pagkatutong modular. Ayon nga kay Flavelle (2010), na ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip ng mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat ng maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon. Kasama sa pagsulat ang kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawaing pampag-iisip. Makababawas ito sa malaking gastusin sa MOOE ng paaralan sa paghahanda ng maraming pahina ng lunsaran o sipi ng aralin, subalit, isaayos at magkaroon muna ng balidasyon sa ibibigay na story map. Dahil napatunayang mayroong makabuluhang kaugnayan ang story map, patuloy na pag-ibayuhin ang paghalaw ng story map sa pagtuturo ng Florante at Laura o maging sa ibang akda. Isa sa mga grapiko at semantik na pantulong ay ang paggamit ng story map. Ginagamit ito upang mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa. Gayundin, ibinibigay ng story map ang balangkas ng akda iupang matukoy ang mga elemento ng isang teksto. Sinisikap din ng story map ang kakayahang organisahin ang mga impormasyon at kaisipan sa mas tiyak na paraan na makatutulong sa pag-unlad ng Kritikal na Pag-iisip (KP) isang indibidwal na makapagbigay ng interpretasyon, makapagsuri, at mataya ang mga impormasyon tungo sa paglikha ng mga bagong ideya at perspektiba.
Files
210. Paggamit ng Story Map sa Pagtuturo ng Florante at Laura at mga Kasanayan sa Pagbuo ng Hinuha.pdf
Files
(151.1 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:276e3761b39b118efab8b29ad9228da8
|
151.1 kB | Preview Download |