PANITIKAN NG MAUBAN SA PAGTUTURO NG KOMUNIKASYON AT PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN
Authors/Creators
- 1. Laguna State Polytechnic University, Brgy. Del Remedio, San Pablo City Campus, Laguna
Description
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na animnapung tagasagot mula sa unang taon ng Pambayang Kolehiyo ng Mauban na binubuo ng tatlong pangkat. Nilalayong sagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon batay sa layunin, nilalaman, paggamit ng mga salita, at disenyo at pagkakabuo. Ninais ding malaman ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Inalam din sa pag-aaral kung may makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at ang antas ng kanilang pagpapayaman ng talasalitaan. Binigyang kasagutan din kung ano ang naging mahalagang pagkakaiba ng antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa naging resulta ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral. Ginamit naman sa pag-aaral ang eksperimental at deskriptibong pamamaraan upang madaling makalap ang mahahalagang datos at impormasyon na kinakailangan sa panananaliksik. Pinili ang mga tagasagot sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit ay ang weighted mean at standard deviation upang masuri ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon. Ginamit naman ang frequency percentage upang mabatid ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Upang malaman mahalagang ugnayan ng pananaw sa panitikan ng Mauban at antas ng pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral ay ginamit Pearson r. Gumamit din ng t-test upang makita kung may mahalagang pagkakaiba ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang panitikan ng Mauban. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan na sumasangayon ang mga mag-aaral sa mga layunin at mga salitang ginamit sa akda at lubos na sumasang-ayon sa nilalaman at ginamit na disenyo at pagkakabuo nito. Napatunayan rin na maraming bilang ng mga magaaral ang may mataas na antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Lumalabas rin na walang makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban at ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan. Samantala, nagkaroon naman ng mahalagang pagkakaiba ang antas sa pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang mga akda. Mula sa naging resulta ng pag-aaral, napatunayan na ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng pagpapayaman ng talasalitaan subalit kailangan pa rin silang sanayin upang lalong mapaunlad ito. Napatunayan rin na mahalaga ang paggamit ng mga akdang lokal at kontekstwal tulad ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon dahil ito ay nakatulong upang lalo pang tumaas ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral.
Files
145. Panitikan ng Mauban sa Pagtuturo ng Komunikasyon at Pagpapayaman ng Talasalitan.pdf
Files
(148.6 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:165c099239105a5ba02f30a8d2993815
|
148.6 kB | Preview Download |