Published June 20, 2026 | Version v1

MGA PANGKAPALIGIRANG PANGANGAILANGAN NA HUMIHIGIT SA INDIBIDWAL NA KAKAYAHAN NG MGA GURO: MGA KAHIRAPAN SA IMPLEMENTASYON NG MATATAG CURRICULUM

Description

Ang implementasyon ng kurikulum ay nagdulot ng pagkabahala. Layunin ng aking pag-aaral na matukoy ang mga pangkapaligirang pangangailangan, indibidwal na kakayahan, at mga humigit na pangkapaligirang pangangailangan na nag-ambag sa kahirapan ng guro sa implemantasyon. Gumamit ako ng deskriptib-kwalitatib na disenyo, pumili ng 12 guro sa pamamagitan ng purposive sampling, na aking kinapanayam. Ang kanilang mga pananaw ay nagpahayag na kahit may bukas na disposisyon, dedikasyon, at malikhaing kakayahan ang mga guro sa Filipino, ang kakulangan sa materyal, imprastraktura, at sistematikong gabay ang humigit sa kanilang indibidwal na kakayahan at nagdulot ng kahirapan sa implementasyon. Inirekomenda ko ang pagpapalakas ng suportang holistiko sa pamamagitan ng sapat na materyales, at malinaw na gabay kasabay ang patuloy na pagsasanay at peer support.  Inirekomenda ko ang paggamit ng multiple linear regression analysis at exploratory factor analysis (EFA) upang masuri ang prediktibong ugnayan ng mga baryabol at makabuo ng mga kwantitatibong instrumentong may angkop na mga indikeytor para sa mga susunod na pag-aaral.

Files

GURO KAHIRAPAN IMPLEMENTASYON MATATAG.pdf

Files (332.0 kB)

Name Size
md5:abdbd84d9a0dfc3312068925a64ba8a7
332.0 kB Preview Download