Published May 8, 2026 | Version v1

ANG ANTAS NA DULOT NG SOCIAL MEDIA SA PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO

Description

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng isang kwantitatibong uri ng pananaliksik na 
ginamitan ng isang deskriptibong pamamaraan upang suriin ang antas na dulot 
ng social media sa asignaturang Filipino sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Gumamit 
ng random sampling ang mananaliksik at pumili ng 75 mag-aaral mula sa unang 
taon, seksyon 1A, 1B at 1C. Isinagawa ang pangangalap ng datos gamit ang random 
sampling survey questionnaire upang makuha ang opinyon at karanasan ng mga 
tagatugon sa paggamit ng social media sa edukasyon. Ang instrumentong ginamit 
ay sinuri ng mga eksperto at isinailalim sa pilot testing na nakakuha ng mataas na 
reliability score na 0.948 gamit ang Cronbach’s Alpha. Lumabas sa resulta na kar
amihan sa mga kalahok ay 63 o 84% ang nagsabing sila ay araw- araw na 
gumagamit ng social media na nagpapahiwatig na malaki ang ginugugol nilang 
oras sa mga online platform. Naitala ang mataas na antas na dulot ng social media 
sa pagkatuto sa asignaturang Filipino, pagsasalita (mean = 4.28), pagsusulat 
(mean = 4.26), at pag-unawa sa panitikan (mean = 4.15). Ipinakita rin na ang Fa
cebook at Youtube ay may positibong makabuluhang ugnayan sa lahat ng kasa
nayan sa Filipino: pagsusulat, pagsasalita, at pag-unawa sa panitikan.

Files

ANG ANTAS NA DULOT NG SOCIAL MEDIA SA PAGKATUTO SA (2).pdf

Files (481.9 kB)