WIKANG FILIPINO: SUSI SA PAG-UNLAD KAPAG ITINURO AT PINAGYAMAN
Authors/Creators
Description
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin at maipakita kung paano nagiging susi sa pag-unlad ang Wikang Filipino kapag ito ay itinuturo at patuloy na pinagyayaman sa sistematikong pamamaraan sa lahat ng kurso sa kolehiyo. Ang saliksik na ito ay ginanap sa University of Rizal System (URS) sa bayan ng Binangonan Rizal at binuo ng labing-siyam na mag-aaral at pitong guro sa Filipino bilang kalahok ng pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibo, partikular ang penomenolohikal na disenyo ng pananaliksik at gumamit ng semi-structured na talatanungan sa panayam. Batay sa tematik na pag-analisa ng datos mula sa mga panayam, ang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino ay dapat inobatibo, angkop sa pangangailangan ng mag-aaral, interaktibo na may gabay ng guro, kontekstuwalisado, at malikhaing pagkatuto upang mapalalim ang kasanayang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral. Upang mapayaman ang wikang Filipino, gamitin ito bilang kasangkapan sa intelektuwal, kabuuang pag-unlad ng mag-aaral, akademikong pagkatuto, at pananaliksik. Bukod dito, ang wika ay pundasyon ng kultural na pagkakakilanlan at simbolo ng pagkakaisa sa panahon ng globalisasyon. Natukoy din sa pag-aaral na ito ang mga hamon sa pagpapayaman ng wikang Filipino sa makabagong panahon tulad ng impluwensiya ng globalisasyon, banyagang wika, pagbabago ng pananaw ng kabataan, kakulangan ng institusyonal na suporta, kasanayan at praktikal na paggamit ng Filipino sa kolehiyo, at paggamit ng makabagong teknolohiya. Sa resulta ng pag-analisa, marapat na ang Wikang Filipino ay mapanatili bilang daluyan ng akademikong intelektuwalisasyon at pagpapayaman ng kultura sa pamamagitan ng digital at teknolohikal na pamamaraan sa makabagong panahon.
Files
WIKANG FILIPINO SUSI SA PAG-UNLAD .pdf
Files
(472.7 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:884ac72488d41419437cb82e1a637f7e
|
472.7 kB | Preview Download |