Published February 15, 2026 | Version v1

WIKAGENZ AT KASANAYAN SA MALIKHAING PAGSULAT NG MGA PILING KURSO: TUON SA PAGBUO NG SANAYANG AKLAT

Description

Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa WikaGenZ batay sa anim (6) na anyo: pagbabaligtad ng salita, pagpapaikli, paggamit ng akronim, pababago ng ispeling, pagpapalit ng salita, at pagbuo ng ekspresyon. Sinuri din ang antas ng kanilang kasanayan sa malikhaing pagsulat, partikular sa nilalaman at paggamit ng mga salitang pangkayarian gaya ng pangatnig. Kalakip ang pagbuo ng isang sanayang aklat na naglalayong tugunan ang mga suliranin sa malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral.  Kwantitatibo ang ginamit sa pag-aaral na ito na may disenyong paglalarawan at korelasyunal (descriptive & correlational). Ang pananaliksik ay isinagawa sa EMA EMITS College Philippines, sangkot ang mga mag-aaral sa mga piling kurso tulad ng BSBA, BSCS at BSHM na pawang mga nasa ikalawang taon sa kolehiyo           . Ang mananaliksik ay gumamit ng palarawang estadistika katulad ng bilang (frequency), bahagdan (percentage) at katampatang-tuos (weighted mean). Gumamit din ng item analysis ang mananaliksik upang maging relayabol ang talatanungan. Batay sa isinagawang pagsusuri, natuklasan na may mataas na antas ng kaalaman ang mga mag-aaral sa WikaGenZ, lalo na sa aspetong pagbabaligtad ng salita, pagpapaikli, at paggamit ng akronim. Samantala, katamtaman lamang ang kanilang kaalaman sa pagbabago ng ispeling, pagpapalit ng salita, at pagbuo ng ekspresyon. Napag-alam din na ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa malikhaing pagsulat ay nasa katamtamang antas lalo na sa aspetong nilalaman, na may kalakasan sa organisasyon ng mga ideya at kohesyon ngunit may kahinaan sa panimula, suporta, detalye, at paggamit ng wika at estilo. Sa gramatikal na aspeto, ang mga mag-aaral ay nagpakita ng katamtamang kahusayan sa paggamit ng pang-angkop at pantukoy, ngunit mahina naman sa wastong paggamit ng pangatnig na nagdudulot ng kawalan ng lohikal na daloy ng mga ideya.

Files

WIKAGENZ.pdf

Files (352.9 kB)

Name Size Download all
md5:488223fc707562e370e230663aabff10
352.9 kB Preview Download