Published December 29, 2025 | Version v1

SALITANG BALBAL: SA SOSYOLINGGWISTIKONG PANANAW

Description

Layunin ng pag-aaral na suriin ang sosyolinggwistikong pananaw sa paggamit ng salitang balbal sa Lungsod ng Cadiz, partikular sa tatlong sektor ng lipunan: mga mag-aaral, mga traysikel Drayber, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Nilalayon nitong maunawaan kung paano ginagamit ang balbal bilang anyo ng komunikasyon, kung ano ang mga kahulugang kaakibat nito, at kung paano ito nagbabago batay sa konteksto at tagapag-usap. Gumamit ang pag-aaral ng panayam bilang pangunahing metodo ng pangangalap ng datos upang masusing matuklasan ang aktwal na karanasan at pananaw ng mga kalahok hinggil sa paggamit ng balbal sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumitaw na malawak at aktibong ginagamit ang salitang balbal sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Natuklasan ding nag-iiba ang kahulugan ng mga salitang ito depende sa sitwasyon, relasyon ng mga nag-uusap, at layunin ng komunikasyon. Kadalasang ginagamit ang balbal bilang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, pagpapalalim ng ugnayang panlipunan, at pagpapatibay ng identidad ng isang grupo. Sa ganitong paraan, nagiging simbolo ang balbal ng pagiging kabilang at pagkakakilanlan sa isang komunidad. Gayunpaman, ipinakita rin ng pag-aaral na may ilang negatibong pananaw hinggil sa paggamit ng balbal, lalo na kapag ito ay nagagamit sa pormal na konteksto. Itinuturing ito ng ilan bilang hindi angkop, hindi pormal, o kawalang-galang. Sa kabila nito, ipinapakita ng kabuuang resulta na ang balbal ay isang makabuluhang porma ng komunikasyon na sumasalamin sa karanasan, antas ng pamumuhay, at panlipunang identidad ng mga gumagamit nito. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng balbal bilang malikhaing anyo ng wika na nararapat bigyang-pansin at pag-aralan sa larangan ng sosyolinggwistika.

Files

BALBAL SOSYOLINGGWISTIKO.pdf

Files (374.9 kB)

Name Size Download all
md5:478277a68a13ba0e189f026ade43f57c
374.9 kB Preview Download