Published December 7, 2025 | Version v1

PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAGBABAYBAY NG MGA MAG- AARAL SA GRADE 10 NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG SALAWAGAN GAMIT ANG COVER, COPY, COMPARE (CCC)

Description

 

Ang pag- aaral na ito ay may layong matulungan ang mga mag- aaral sa ika- 10 baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Salawagan na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa ispeling gamit ang estratehiyang Cover, Copy, Compare. Isa sa mga problemang kinakaharap ng mga guro ang kahirapan sa pagbabaybay lalo na sa Filipino, kaya sinubukan sa pananaliksik na ito kung magiging epektibo ang Cover, Copy, Compare bilang paraan ng pagtuturo. Sa pag- aaral na ito, dalawang grupo ng mga respondenteng mag- aaral ang lumahok, isa ang tinuruan gamit ang karaniwang paraan, at ang isa naman ay gumamit ng estratehiyang Cover, Copy, Compare. Lumabas sa resulta na ang mga gumamit ng Cover, Copy, Compare ay may malaking pagbabago sa kanilang kakayahan sa pagbabaybay ikumpara sa mga hindi gumamit nito. Ipinapakita ng pag- aaral na ang Cover, Copy, Compare ay maaaring maging isang mabisang paraan upang gawing mas madali at mas kawili- wili ang pagkatuto ng tamang pagbabaybay o ispeling sa Filipino.

 

Files

GRADE 10 NG COVER COPY COMPARE.pdf

Files (264.4 kB)

Name Size
md5:cb7d67fb8465277c1cf8d7dcd8d42bc2
264.4 kB Preview Download