E-STAR: NABUONG E-MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Authors/Creators
Description
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang tumugon sa pangangailangan ng mga makabago at makabuluhang kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto para sa Asignaturang Filipino. Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik na ito ay Descriptive Developmental Design at sa pagtukoy ng mga kalahok, ginamit ang G*Power, at isinagawa ang Purposive Random Sampling upang mapili ang apatnapung (40) mag-aaral at dalawampung (20) guro mula sa Caritas Don Bosco School. Sa tulong ng iniangkop na standardized questionnaire, nakuha ang Cronbach Alpha coofficient na 0.940 para sa bisa at 0.884 para sa antas ng pagtanggap ng nabuong e-modyul, habang ang Lawshe Content Validity Index ay nagtamo ng 1.00 na nangangahulugang lubos na mahalaga ang mga katanungan sa pauna at panapos na pagtataya. Gamit ang four-point Likert Scale, Frequency, Mean, Percentage at Paired T-test. Ang mga natuklasan sa antas ng balidasyon ng nabuong E-modyul na may gamit ng teknolohiyang Augmented Reality ay Napakabisa, na may pangkalahatang pagtatasa na 3.74 para sa layunin, 3.70 sa konsepto, 3.74 sa paksa, 3.67 sa panuto, 3.73 sa pagsasanay, at 3.71 sa repleksyon. Samantala, sa antas ng pagtanggap sa e-modyul ay Lubos na Katanggap-tanggap, batay sa nagagamit, katumpakan, kaangkupan, kagamitan, at kahusayan ay nakakuha ng 3.69, 3.84, 3.68, 3.73, at 3.73 batay sa resulta. Lumitaw din ang makabuluhang pagtaas sa kaalaman ng mga mag-aaral batay sa mean difference na -15.875 sa pagitan ng pauna at panapos na pagtataya. Ipinakita nito na naging epektibo ang nabuong e-modyul na may teknolohiyang Augmented Reality sa pagpapataas ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 11 – STEM Engineering. Sa Kabuuan, ang kinalabasan ng pananaliksik, at ang nabuong awtput ay ang E-STAR: Nabuong E-modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay ibinahagi upang makatulong sa mas mahusay na pagpapatupad ng kurikulum at gabay tungo sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Files
E-STAR.pdf
Files
(423.0 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:7e35ecace09195389f5efc135694eed0
|
423.0 kB | Preview Download |