EPEKTO NG PAGKAKALANTAD SA SALITANG BALBAL NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG
Authors/Creators
Description
Ang pag-aaral na ito ay naglayon na alamin ang epekto ng pagkakalantad sa salitang balbal ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy kung paano natutuhan, gaano kadalas nagagamit ang salitang balbal, at epekto ng salitang balbal sa kakayanan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Gumamit sa bahaging ito ng iskala na aangkop sa sagot ng bawat respondente 4 bilang palaging nararanasan, 3 bilang bihira o paminsan-minsan lamang nararansan, 2 bilang di-gaano at 1 bilang hindi kailanman nararanasan. Ang ikatlong bahagi ay tutukoy sa epekto ng paggamit ng salitang balbal sa akademikong performans partikular sa aktibidad na pasulat ng mga mag-aaral sa paaralanLumabas sa pag-aaral na natutuhan ng mga mag-aaral ang salitang balbal sa iba't ibang pinagmulan ng midya tulad napapanood at napapakinggan sa telebisyon at pelikula, napapakinggan at nakikita sa internet, mga plataporma ng social media, pakikipagtalastasan sa mga kaibigan, kaklase o kalaro at paminsan-minsan sa mga napapakinggang musika o kanta.Makikita sa resulta na may negatibo at positibong epekto ang pagkakalantad sa salitang balbal sa kakayahan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang sa pagsulat. Malaki ang magiging tulong ng binuong interbensyon na gawain na tutugon sa epekto ng pagkakalantad sa salitang balbal. Ang mga gawain ay maaaring magbigay-daan sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Upang maunawaan ang kaibahan ng pormal at impormal na wika, na mahalaga sa akademiko at propesyonal na mundo. Sa ganitong paraan, nagkakaroon sila ng higit na kakayahan sa tamang paggamit ng wika depende sa konteksto. Makatutulong ito upang maiwasan ang sobrang pagdepende sa balbal na salita sa pormal na sulatin.
Files
SALITANG BALBAL IKAPITONG BAITANG.pdf
Files
(578.4 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:b959c3db890ea1b7d40a1e9ffa4d3372
|
578.4 kB | Preview Download |