Published August 25, 2025 | Version v1

Pagtataya ng Ugnayan ng Kalidad ng Pagtuturo, Kritikal na Pag-iisip, at Pagtamo ng Kaalaman ng mga Mag-aaral

Description

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang tuklasin ang makabuluhang impluwensya ng kalidad ng pagtuturo at kritikal na pag-iisip sa pagtamo ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Distrito ng B.E. Dujali ng Davao del Norte. Ang mga kalahok ay binubuo ng dalawang daan at apat (204) na mag-aaral sa Ika-12 Baitang mula sa nasabing distrito. Gumamit ang pag-aaral ng mga inangkop na talatanungan na sumasaklaw sa kalidad ng pagtuturo, kritikal na pag-iisip, at pagtamo ng kaalaman. Ang mga talatanungan ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto upang masigurado ang validity at reliability nito. Ipinakita ng mga natuklasan na ang kabuuang kalidad ng pagtuturo ay nasa mataas na antas, partikular sa mabisang pagtuturo at pamamahala ng klase. Gayunpaman, ang kaalaman ng guro sa paksa at pakikipag-ugnayan sa mag-aaral ay nasa katamtamang antas. Natukoy din na ang kabuuang antas ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral ay mataas, lalo na sa kasanayan sa pagsusuri at kakayahang mangatwiran. Sa kabilang dako, ang kasanayan sa paglutas ng suliranin at pagtatasa ay nasa katamtamang antas. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na ang kalidad ng pagtuturo at kritikal na pag-iisip ay may makabuluhang impluwensya sa pagtamo ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Files

Pagtataya_ng_Ugnayan_ng_Kalidad_ng_Pagtuturo__Kritikal_na_Pag_iisip__at_Pagtamo_ng_Kaalaman_ng_mga_Mag_aaral (2).pdf