PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA KASANAYANG PASALITA NG WIKANG FILIPINO NG MGA CEBUANONG MAG-AARAL
Authors/Creators
Description
Isinagawa ang pananaliksik na ito upang tukuyin ang kahalagahan ng social media sa pagkatuto ng wikang Filipino ng mga piling Cebuanong mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo sa Cebu Eastern College Inc. Layunin nitong malaman ang pananaw ng mga mag-aaral, antas ng kanilang kasanayan, at mga hamong kinakaharap nila sa paggamit ng social media bilang kasangkapan sa pagkatuto ng wika. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibo at paghahambing na disenyo, gamit ang talatanungan bilang pangunahing instrumento. May kabuuang 150 mag-aaral mula sa kursong Edukasyon, Impormasyong Teknolohiya, at Pamamahala ng Panturismo at Pang-ospitalidad ang lumahok sa pag-aaral. Batay sa resulta, lumitaw na lubos na positibo ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media. Mataas ang antas ng kanilang kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa wikang Filipino. Gayunpaman, naranasan din nila ang ilang hamon gaya ng maling gramatika, distraksyon, kahirapan sa signal o datos, at kakulangan sa tamang gabay. Ipinakita ng pagsusuri na may positibo at napakataas na ugnayan sa pagitan ng pananaw sa social media at kasanayan sa wikang Filipino. Wala namang makabuluhang pagkakaiba sa pananaw, kasanayan, at mga hamon batay sa kanilang kinabibilangang kurso. Mula sa mga natuklasan, iminumungkahi ng pag-aaral ang mas sistematikong paggamit ng social media sa pagtuturo ng wikang Filipino, lalo na sa antas ng kolehiyo. Inirerekomenda rin ang pagbibigay ng digital na literasiya, tamang gabay mula sa mga guro, at sapat na teknolohikal na suporta sa mga mag-aaral. Ang patuloy na pananaliksik sa mas malawak na konteksto ay hinihikayat upang higit pang maunawaan ang papel ng social media sa pag-unlad ng wika sa makabagong panahon.
Files
839-856.pdf
Files
(718.7 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:73e8523d9a51ea00023a2f5455e8e276
|
718.7 kB | Preview Download |