PAGGAMIT NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE (AI) SA PAGLINANG SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA DIGITAL AGE
Authors/Creators
- 1. Graduate School, Baguio Central University, Baguio City 2600, Cordillera Administrative Region, Philippines
Description
Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahandaan, dalas ng paggamit, hamon gamit ang Artificial Intelligence (AI) sa Paglinang sa Pagbasa ng mga Mag- aaral sa Digital Age. Ang mga tagatugon ay mula sa Balaoa National High School-Balaoa, Tadian, Mountain Province sa Taong Panuruan 2025-2026. Ang mga tagatugon ay binubuo ng pito (7) na mga guro na pinasagutan sa talatanungan ng mga mananaliksik. Ginamit ang kwantitatibo sa pamamagitan ng sarbey na ipinasagot sa talatanungan at deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik upang makapangalap ng mga datos. Sa pag-aaral, ginamit ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo.
Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: kahandaan, dalas ng paggamit, mga hamon sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa Paglinang sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Digital Age mula sa mga tagatugon ng Balaoa National High School-Balaoa, Tadian, Mountain Province na mga guro ay pinaghandaan, ito ay madalas na ginagamit at Lubos na Seryoso ang mga hamon sa Paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa Paglinang sa Pagbasa ng mga Magaaral sa Digital Age. Samakatuwid kinakailangan pang sumailalim sa masusing pagsasanay ang mga guro upang higit na mapahusay at kayaning mabigyang solusyon ang mga hamon na kakaharapin upang maibigay ang papel ng isang guro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Mula sa kinalabasan ng pananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon: Pinaghandaan ng mga guro ang paggamit ng AI tulad ng Tracking and reports, checking test, mobile apps at chat GPT; Madalas na ginagamit ang mobile apps, lesson planner at Estratehiyang Makabagong Teknolohiya at Content Management; Lubos na Seryuso ang mga sa Programang Pagsasanay sa Artificial Intelligence (AI).
Files
V5I703.pdf
Files
(331.1 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:b42f9d94fea1f919c3903dbb213b6fb4
|
331.1 kB | Preview Download |