Published April 30, 2025 | Version v1
Journal article Open

PAGGAMIT NG MUSIKAL NA KAGAMITAN SA PAGBASA SA FILIPINO TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG NG GODOFREDO M. TAN INTEGRATED SCHOOL OF ARTS AND TRADES

Description

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makatulong sa pagpapaunlad ng antas kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Nakapokus din ito sa pagbasa, kahalagahan ng pagbasa at paraan sa pag-unlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral. Ito ay may layuning mapaunlad ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang gamit ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino. Isinagawa ang pagbasa ng mga mag-aaral ngayong panuruang taon 2024-2025 sa paaralang Godofredo M. Tan Integarated School of Arts and Trades. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Descriptive Quantitative na metodo ng pananaliksik dahil nais malaman ng mananaliksik kung nakatulong ang musikal na kagamitan sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral at kung nabago ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mag mag-aaral. Ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino ay makabagong kagamitan na maaaring gawing instrumento sa pagbasa dahil ito ay nasasama sa kagamitang may ICT integration sa pagtuturo at pag-aaral. Ito ay binuo ng mananaliksik na may iba’t ibang kompetensi at bahagi sa pagbasa. Ginamitan ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino ng mga lirikong mula sa paksa sa pagbasa at tono mula sa mga musika. Sinamahan ito ng mga gawain upang malaman kung natututo ang mag-aaral sa pagkanta at pagbasa. Sa pamamagitan ng instrumentong ito, nalaman ng mananaliksik kung nakatulong ba ang kagamitan upang mapaunlad ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral. Ito ay ginamitan ng paraang istaditikang frequency, percentage, Mean Percentage Score at Standard Deviation upang malaman kung umunlad ang pagbasa ng mag-aaral matapos ang panahon ng pagbasa at matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa. Ang mga respondanteng mag-aaral ay mula sa ikapitong baitang ng paaralang Godofredo M. Tan Integrated School of Arts and Trades. Ang bilang ng mag-aaral na nasa antas na Non-readers ay dalawampung (20) mag-aaral na halos katumbas na ng isang seksyon. Nakuha ang datos sa pamamagitan ng pagpapabasa at paggamit ng Phil-Iri na isinagawa ng mananaliksik at mga guro sa ikapitong baitang sa Filipino. Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng respondante ay sa pamamagitan ng Purposive Sampling. Ito ay isang non-probability sample na pinili batay sa mga katangian ng isang populasyon at ang layunin ng pag-aaral. Ang buong pag-aaral at pagbasa ng mga mag-aaral na non-readers mula sa ikapitong baitang ay tumaas ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino. Mayroong pag-unlad ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral matapos ang pagbasa gamit ang musikal na kagamitan sa pagbasa sa Filipino. Mula sa mga lumabas na resulta ng pagbasa ng mga mag-aaral, naging malaking tulong ang kagamitan upang mapaunlad ang pagbasa ng mga mag-aaral sa Filipino. Matapos lumabas ang resulta at konklusyon, nabuo ang rekomendasyong magsagawa ng mga hakbang sa pagbuo at hakbang sa paggamit ng kagamitan upang mapaunlad ang pagbasa ng mga mag-aaral. Bumuo ng mga kagamitang makatutulong sa suliraning pagbasa na makapupukaw sa interes at atensyon sa pagbasa, lalo na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagbuo ng kagamitan. Para sa mga susunod na mananaliksik, magsagawa ng kaugnay na pag-aaral ukol sa pag-aaral na ito upang madagragan pa ang mga solusyong makatutulong sa suliraning pagbasa.

Files

GODOFREDO M. TAN.pdf

Files (505.3 kB)

Name Size Download all
md5:c01528a9d12f76dee78120856844c2e0
505.3 kB Preview Download