GABAY: ANG NABUONG ISINALOKAL NA SANAYANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 7
Authors/Creators
Description
Ang pangunahing nagtulak sa pag-aaral na ito ay ang pagbuo at pagpapatunay ng isang aplikasyon kagamitang pampagtuturo para sa bagong kadawyan ang GABAY: ang nabuong isinalokal na kasanayang pampagkatuto sa Filipino 7. Ang pag-aaral na ito ay sumunod sa disenyo at pamamaraan ng pananaliksik sa pagbuo ng kagamitang pampagturo. Ang mga respondente ng pag-aaral, na pinili sa pamamagitan ng Purposive sampling technique, na mayroong 43 mag-aaral mula sa Liceo de Mamatid at 28 Filipino Guro sa Junior High School mula sa Liceo de Mamatid. Dibisyon ng Cabuyao City, Laguna. Batay sa Content Validity Index (CVI) na may proportion relevance = 1.0, ang reliability test ay nagpakita ng .940, acceptability ay nasukat sa .884 at ang t-test naman ay -8.499, natuklasan sa pag-aaral na ang nabuong GABAY: Ang Nabuong Isinalokal na Sanayang Pampagkatuto sa Filipino 7 ay may mataas na bisa bilang kagamitang pampagtuturo.gamit ang four-point Likert Scale, simple mean, at t-test para sa mga independent sample, ang mga natuklasan ay nagsiwalat na ang nabuong GABAY: ang nabuong isinalokal na sanayang pampagkatuto sa Filipino 7 ay batay sa pagtatasa ng mga guro ng Filipino sa mga layunin, direksyon, paksa, at ang mga praktikal na pagsasanay ay .940 lubos na wasto. Samantala, lubos ding tinanggap ang antas ng katanggap-tanggap .884 ng nabuong GABAY: Ang Nabuong Isinalokal na Sanayang Pampagkatuto sa Filipino 7 batay sa pagtataya ng mga guro ng Filipino sa kalinawan, kapakinabangan, presentasyon, at kaangkupan. Nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba sa antas ng akademikong pagganap -8.499 ng mga mag-aaral sa paghahambing ng mga mean na marka ng mga mag-aaral sa panahon ng pretest at posttest. Mahihinuha na ang nabuong GABAY: Ang Nabuong Isinalokal na Sanayang Pampagkatuto sa Filipino 7 ay maliwanag na nagpapataas ng pagkatuto ng mag-aaral mula sa Baitang 7 batay sa pagkakaiba ng kanilang pagganap sa pretest at posttest.
Files
GABAY ANG NABUONG ISINALOKAL.pdf
Files
(567.2 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:167d65ea58ffc3efc76e827e8b3c214d
|
567.2 kB | Preview Download |