Published November 20, 2024 | Version v1
Journal article Open

ANG PAGGAMIT NG YOUTUBE BILANG KASANGKAPAN SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA UGNAYAN NG WIKA, KULTURA, AT LIPUNAN (FIL 104)

Description

Ang pag-aaral na ito ay mayroong tatlong pangunahing layunin, (1) Maisa-isa ang gamit ng Youtube bilang: (a) Kasangkapan sa pagkatuto, at (b) epekto ng paggamit ng Youtube sa pagkatuto; (2) Matukoy ang antas ng akademikong performans ng mga mag-aaral sa kursong Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan (FIL 104) sa Ikalawang Semestre; at (3) Mailahad ang kabuluhang ugnayan ng akademik performans at antas sa paggamit ng Youtube ng mga mag-aaral bilang kasangkapan sa pagkatuto at epekto ng paggamit ng Youtube. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Don Carlos Polytechnic College noong ika- 20 ng Hulyo taong 2024, gamit ang sarbey kwestyuner ay pumili ang mananaliksik ng mga mag-aaral sa paraang stratified random sampling ng tigsa-sampung (10) mag-aaral sa labing dawalang (12) seksyon na may kursong Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan (FIL104). Isinakatuparan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng kagamitang estadistikal gaya ng mean, percentage, frequency at standard deviation para makumpara ang mga iskor sa isang daan at dalawampong (120) mga respondente.

Files

ANG PAGGAMIT NG YOUTUBE BILANG KASANGKAPAN SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA UGNAYAN NG WIKA^J KULTURA^J AT LIPUNAN (FIL 104).pdf