Interaktiv Na Estratehiya Sa Pagtuturo at Akademikong Motibasyon Ng Mga Mag-Aaral Sa Antas Ng Sekundarya
Authors/Creators
Description
Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng deskriptiv na pamamaraan sa pananaliksik gamit ang correlational na pamamaraan sa pananaliksik upang masuri ang makabuluhang impluwensya ng interaktiv na estratehiya sa pagtuturo sa akademikong motibasyon ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Ang mga napiling kalahok ng mananaliksik sa kasalukyang pag-aaral ay ang dalawang daang (200) mag-aaral sa antas ng sekundarya sa iilang paaralan sa Cluster 6, Davao City. Sa kabilang banda, natuklasan ng mananaliksik na ang antas interaktiv na estratehiya sa pagtuturo at akademikong motibasyon ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya ay katamtaman. Samantala, natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng interaktiv na estratehiya sa pagtuturo at akademikong motibasyon ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Panghuli, napag-alaman ng mananaliksik na ang interaktiv na estratehiya sa pagtuturo ayon sa pakikipag-ugnayan sa silid-aralan at pagpapaunlad ng kasanayan ay ang mga domeyn na may makabuluhang impluwensya sa akademikong motibasyon ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Kaya, inirekomenda ng mananaliksik na ang Kagawaran ng Edukasyon ay dapat
mamuhunan sa mga programa sa pagsasanay ng guro na tumutuon sa mga interaktiv na pamamaraan ng pagtuturo, pamamahala sa silid-aralan, at mga estratehiya upang hikayatin ang mga mag-aaral.
Files
Interaktiv_na_Estratehiya_sa_Pagtuturo_at_Akademikong_Motibasyon_ng_mga_Mag_Aaral_sa_Antas_ng_Sekundarya.pdf
Files
(472.4 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:109d9cf2956ff067289c166fbe293368
|
472.4 kB | Preview Download |