Akademikong Suporta Ng Magulang at Kasanayan Sa Pagbasa Ng Mga Mag-Aaral Sa Antas Ng Sekundarya
Authors/Creators
Description
Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng deskriptiv na pamamaraan sa pananaliksik gamit ang correlational na pamamaraan sa pananaliksik upang masuri ang makabuluhang impluwensya ng akademikong suporta ng magulang tungo kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Ang mga napiling kalahok ng mananaliksik sa kasalukyang pag-aaral ay ang isang daan at limampong (155) mag-aaral sa antas ng sekundarya sa iilang paaralan sa Hagonoy II District, Davao del Sur. Sa kabilang banda, natuklasan ng mananaliksik na ang antas ng akademikong suporta ng magulang at kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya ay mataas. Samantala, natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng akademikong suporta ng magulang at kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa antas ng sekundarya. Panghuli, napag-alaman ng mananaliksik na ang akademikong suporta ng magulang ayon sa pagtutok sa akademikong layunin; at pagtataguyod ng masigasig na pag-aaral ay ang mga domeyn na may makabuluhang impluwensya sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Kaya inirekomenda ng mananaliksik na ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay dapat magpatupad ng mga programa at inisyatiba na nagpapalakas sa ugnayan ng mga magulang at paaralan upang masiguro ang patuloy na suporta sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral.
Files
Akademikong_Suporta_ng_Magulang_at_Kasanayan_sa_Pagbasa_ng_mga__Mag_Aaral_sa_Antas_Ng_Sekundarya__1_.pdf
Files
(374.2 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:c85dcdffdaba0085a956e6b7b0221ad8
|
374.2 kB | Preview Download |