Published May 4, 2024 | Version v1
Journal article Open

SEMIYOLOHIKAL ANALISIS SA MGA AWITING RAP NI SHANTI DOPE

Description

Napapansin ang pagkahilig ng mga kabataan sa mga awiting nagtataglay ng magandang himig at ritmo kahit hindi ganap na batid ang mensahe nito. Mula rito, nilalayon ng pag-aaral na ito ang pag-alam sa mga tema, simbolo, at isyung panlipunan sa matatagpuan sa mga awiting rap ni Shanti Dope. Gamit ang Purposive Sampling sa pagpili ng 10 awiting rap na tiyak na angkop bilang mga datos sa pananaliksik na ito. Kuwalitatibong pamamaraan partikular ang kontent analisis ang ginamit upang masuring lubos ang tema, simbolo, at isyung panlipunan na matatagpuan sa mga awitin ni Shanti Dope. Ginamit bilang sandigan naman ang Semiyolohiya ni Roland Barthes sa pagsuri sa mga layunin ng pag-aaral.Batay sa naging resulta, natuklasan na naglalaman ang mga awitin ni Shanti Dope ng mga temang kahirapan at pag-ibig; ang mga simbolong ginamit ay nakitaan ng temang katapangan, pag-asa, at tagumpay; nasasalamin naman ang mga isyung kahirapan, materialismo, at objectification sa mga kababaihan bilang mga isyung panlipunan.

Files

SEMIYOLOHIKAL ANALISIS SA MGA AWITING RAP NI SHANTI DOPE.pdf

Files (346.2 kB)