PAGKATUTO SA FILIPINO GAMIT ANG MODYULAR NA PAG – AARAL AT ONLINE NA PAGSUSULIT SA BAITANG 10 NG MINDANAO STATE UNIVERSITY – SULU LABORATORY HIGH SCHOOL
Authors/Creators
Description
Ang pagkatuto sa Filipino gamit ang modyular na pag – aaral at online na pagsusulit ay isang pag-aaral na ginawa sa MSU – Sulu Laboratory High School sa taong 2023-2024. Ito ay tumutukoy din sa demograpikong propayl ng mga mag-aaral bilang respondante ayon sa kanilang kasarian, edad, buwanang kita ng mga magulang, at natapos ng mga magulang. Sinuri din nito ang pagkatuto sa Filipino ng mga mag –aaral sa MSU – Sulu Laboratory High ayon sa modyular, online na pagsusulit, at online learning. Sinuri din ng pananaliksik na ito kung may pagkakaiba ayon sa pagkatuto sa Filipino ng mga mag –aaral sa baitang 10 ng MSU – Sulu Laboratory High School, at kung may mahalaga bang pag – uugnayan sa pagkatuto sa Filipino gamit ang modyular, online na pagsusulit, at online learning. Ang pananaliksik ay isang quantitative research at ginanap sa MSU – Sulu Laboratory High School na matatagpuan sa Capitolyo ng Sulu. Ang respondante ng pananakiksik ay ang isang daang estudyante ng paaralan na kinabibilangan ng baitang 10. Purposive sampling ang istratehiyang ginamit sa pagpili ng mga respondante. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa demograpikong propayl ng mga respondante kabilang na ang kanilang kasarian, edad, natapos nang mga magulang, at buwanan kita ng mga magulang. Ang ikalawang bahagi ay tungkol sa paggamit ng modyular, online na pagsusulit, at online learning sa pagkatuto ng Filipino ng mga mag – aaral. Frequency at percentage ang ginamit na paglalapat ng datos para sa unang katanungan. Mean at standard deviation naman para sa ikalawang katanungan. t – test para sa kasarian at ANOVA para sa ibang demograpikong propayl ang ginamit para sa ikatlong katanungan. Peason Product – Moment Correlation naman ang ginamit para sa ika – apat na tanong. Natuklasan na mas marami ang babae sa bilang ng mga respondante, nasa pagitan ng 19 taong gulang pababa ang edad, karamihan ng mga magulang ay kumikita lamang ng P10,000 pababa kada buwan, at karamihan sa mga magulang ay nakatapos ng pag – aaral. Ang mga respondante ay sumasang – ayon sa pagkatuto gamit ang modyular, online na pagsusulit, at online learning. Walang mahalagang pagkakaiba ayon sa kasarian, edad, natapos ng mga magulang at buwanang kita ng mga magulang. May katamtamang pag – uugnayan sa pagkatuto sa Filipino gamit ang modyular, online na pagsusulit, at online learning.
Files
PAGKATUTO SA FILIPINO GAMIT ANG MODYULAR NA PAG – AARAL AT ONLINE NA PAGSUSULIT SA BAITANG 10 NG MINDANAO STATE UNIVERSITY – SULU LABORATORY HIGH SCHOOL.pdf
Files
(328.5 kB)
| Name | Size | Download all |
|---|---|---|
|
md5:56a4d97830375f7a9b73fa6121a9482e
|
328.5 kB | Preview Download |