Published January 5, 2022 | Version v1

Balidasyon Ng MELC-based Learning Activity Sheets sa Filipino sa Piling Larang Akademik

  • 1. Juban National High School, Sorsogon State University, Philippines
  • 2. Sorsogon State University, Philippines

Description

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabalido ang MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino Piling Larang Akademik. Malaman ang lebel ng na debelop na MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino sa Piling Larang Akademik batay sa nilalaman, pormat, pesentasyon at organisasyon, at kawastuhan. Ang mga mungkahi at komento sa MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino Sa Piling Larang Akademik. Ang disenyong deskriptib-Sarbey ang ginamit sa paglikom ng mga datos na kinailangan sa pag-aaral Sa pagkuha ng performance lebel ng mga mag-aaral pinagbatayan ang resulta ng lagumang pagsusulit na nakabatay sa nabuong MELC-Based Learning Activity Sheets. Ang iskalang ginamit ay mula sa Deped order no 8 s. 2015, Policy Guidelines on Classroom assessment for K to 12 Basic education Program sa pagkuha ng deskripsyon ng kinalabasang resulta. Sa balidasyon ng MELC-Based Learning Activity Sheets ginamit ng mga eksperto ang tseklis na mula sa Learning Resource Management and Development System (LRMDS). Batay sa datos ang nabuong apat na MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino sa Piling Larang Akademik ang performance lebel ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik ay may deskripsyong kasiya-siya na nangangahulugan na ito ay may malaking tulong upang mapataas ang performance lebel ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ito ay epektibo at mabisa upang maging tulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik. Iminumungkahi ng mananaliksik na ang nabuong MELC-Based Learning Activity Sheets sa Filipino sa Piling Larang Akademik ay maaaring gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto hindi lamang sa distance learning pati na rin sa harapang pagtuturo. Gayundin ang pagbabalangkas ng mga kagamitang pampagkatuto lalo na sa panahong katulad ng pandemya at sa harapang pagtuturo.

Files

83-Article Text-113-1-10-20220111.pdf

Files (196.8 kB)

Name Size
md5:75b721ac4f6da861373dbe4bfdaa596e
196.8 kB Preview Download