Published August 9, 2021 | Version v1

TEMATIKONG INSTRUKSTON SA PAGTUTURO NG FLORANTE AT LAURA AT KASANAYANG PANGGRAMATIKA

Authors/Creators

  • 1. Laguna State Polytechnic University, San Pablo City Campus

Description

Nakatuon ang pananaliksik sa pagtuturo ng kurikulum sa Filipino batay sa tematikong instruksyon sa pamamagitan ng integrasyon ng iba’t ibang konspeto sa kasanayang panggramatika sa paksang Florante at Laura na nilalalaman ng MELCs Modular Distance Learning Modality sa ikaapat na markahan. Ayon sa Teorya ng Integrated Thematic Instruction ni Kovalik (1989) ang tematikong instruksyon ay nakapagpapahusay sa natamong kaalaman ng mga batang mag-aaral kapag natututo sa konsepto ng isang magkakaugnay na “kabuuan,” at kung kailan nila maiuugnay ang natutunan nila sa pang-araw-araw na pamumuhay (Samuels, 2019). Naglalayon ang mga kaisipang ito na hubugin ang mga mag-aaral sa pagkatuto na kalaunan ay magagamit nila ang kanilang kaalaman sa anumang paksang tatalakayin. Ilalarawan nito ang karanasan ng mga mag-aaral sa Filipino sa Ika-8 Baitang ng San Jose National High School. Gamit ang karagdagang lesson exemplar ay isinagawa ang pre-test at post-test sa pangkat St. Paul na binubuo ng 25 lalaki at 15 babae bilang tagatugon sa isang pamaraang deskriptibong paglalarawan upang masagot ang hinuha ng pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas sa kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral bago at matapos gamitin ang Tematikong Instruksyon sa pagtuturo ng Florante at Laura batay sa kasarian. Bumuo ng isang pagtataya ang mananaliksik upang masukat ang kaalaman ng 40 piling tagatugon tungkol sa paksang Florante at Laura. Ang pagsusulit ay binubuo ng tigsampung katanungan na sumukat sa kognitibong pag-unawa at pagsusuri ng mga mag-aaral na nagsusuri sa bahagi ng pangungusap at kaayusan nito na ang lebel ng kahirapan ay nasa antas madali at katamtaman samantalang ang huling 10 katanungan ay tumutukoy sa wastong gamit ng “nang at ng” na nasa kognitibong paglalapat ay nasa antas na mahirap. Ang pagsusulit ay ipinasuri sa kanyang tagapayo at matapos ang mga rebisyon ay ipinamahagi ang talatanungan sa pamamagitan ng Google form link para sa online examination. Matapos itong mapasagutan sa mga mag-aaral ay sinuri ang kasapatan ng tugon sa eksaminasyon. Batay sa resulta, ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang lesson exemplar bilang karagdagang kagamitang pampagtuturo na tutugon sa pagpapalago ng kaalaman para sa paksang tinalakay. Matapos maipamigay ang nabuong lesson exemplar na tumutugon sa ideyang tematikong instruksyon sa mga piling tagatugon na bumilang ng tig-apat na araw na karagdagang panahon sa pag-aaral. Matapos ang walong araw ay ipinamahagi sa pamamagitan ng Google form link online examination ay muling pinasagutan ang post test. Muling sinuri ang resulta ng eksaminasyon. Natuklasan sa pag-aaral na nasa katamtamang husay ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa gramatika batay sa resulta ng pre-test. Ang resulta naman ng post test ay may pinakamataas na kahusayan matapos mapag-aralan gamit ang karagdagang kagamitang pampagtuturo batay sa tematikong instruksyon. Batay naman sa hinuha ng pagaaral, tinatanggap ang hinuha na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas sa kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral bago at matapos gamitin ang tematikong instruksyon sa pagtuturo ng Florante at Laura batay sa kasarian.

Files

251. Tematikong Instrukston sa Pagtuturo ng Florante at Laura at Kasanayang Panggramatika.pdf