Published August 4, 2021 | Version v1

MGA SALITAN SA MGA PAHAYAGANG TABLOID SA PAGTUTORO NG KOMNIKASYONSA KASANAYAN SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL AT KAKAYAHAN SA PAGTUKOY SA VARAYTI NG WIKA

  • 1. Laguna State Polytechnic University, Brgy. Del Remedio, San Pablo City Campus, Laguna

Description

Sinasabing isa sa pinakamaimpluwesyang instrumento sa pagpapalaganap ng wika ay tinatawag na dyaryo o pahayagang tabloid. Hindi ito maikakaila dahil sa dami ng mga tabloid at lawak ng sirkulasyon nito. Ngunit kapansin-pansing iilan na lamang sa kasalukuyang panahon ang mga kabataang nagbabasa ng pahayagang tabloid at nawiwili na lamang sa pagbabasa ng wattpad, paglalaro ng ML, paggamit ng social media tulad ng fb, twitter, at instagram. Kung kaya't nilayon na pag-aralan ang profayl ng mga tagasagot batay sa kasarian at edad, matukoy ang pananaw ng mga tagasagot hinggil sa varayti ng wika sa mga pahayagang tabloid batay sa: balbal, kolokyal, lalawiganin, bulgar at jargon, matukoy ang kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel batay sa: nilalaman, kaisahan, kaangkupan sa tema, wastong gamit ng salita/kataga, at mekanismo sa pagsulat batay sa: paggamit ng malaking titik, paggamit ng maliit na titik, paggamit ng bantas, pagbabaybay/ ispeling at paghahati ng salita, matukoy ang kakayahan ng mga tagasagot sa pagtukoy ng varayti ng wika sa mga pahayagang tabloid. Nilayon din na matukoy kung may makabuluhang kaugnayan ba ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel, at kung may makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mga tagasagot hinggil sa varayti ng wika sa mga pahayagang tabloid sa kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel. Gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng kwantitatibong pananaliksik na angkop na paraan sa pagsusuri ng mga datos gamit ang istadistika. Natuklasan sa pag-aaral na sumasang-ayon ang mga mag-aaral hinggil sa varayti ng wika na balbal, kolokyal, lalawiganin, bulgar atjargon sa mga pahayagang tabloid. Napakahusay ng kasanayan ng mga mag- aaral sa pagsulat ng posisyong papel batay sa nilalaman, kaisahan, kaangkupan sa tema, at wastong gamit ng kataga/salita, samantalang mahusay naman ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng posisyong papel batay sa mekanismo sa pagsulat. Samantalang lumabas na hindi mahusay ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng varayti ng wika. Gayundin walang makabuluhang ugnayan ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel at walang makabuluhang ugnayan ang varayti ng wika sa kakayahan sa pagsulat ng posisyong papel. Batay sa mga natuklasaniminumungkahina: magsagawapa ng mga pag-aaral patungkol sa varayti ng wika upang maipakita ang pagiging makulay at dinamiko ng wika. Maglaan ng mga aktibidad na lalong hahasa sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulating huhubog at magpapaunlad sa kahusayan sa nilalaman, kaisahan, kaangkupansa tema,wastong gamit ng salita/ kataga at mekanismo sa pagsulat. Gayundin, isaalangalang ang pagbuo o paggamit ng pamantayan sa pagmamarka o rubriks ng mga sulatin tulad ng dyornal, sanaysay, talata at posisyong papel at iba pang uri ng sulatin upang mapataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat sa Filipino batay sa iba’t ibang mekanismo na pagbabaybay, paggamit ng wastong kataga/ salita, malaki at maliit na titik, pagbabantas at pagtatalata.

Files

164. Mga Salitan sa mga Pahayagang Tabloid sa Pagtutoro ng Komnikasyon sa Kasanayan sa Pagsulat ng Posisyong Papel at Kakayahan sa Pagtukoy sa Varayti ng Wika.pdf