Karanasan ng mga Magulang na may Anak na Autismo Sa Panahon ng Pandemya
Creators
Description
Abstrak:
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga karanasan ng mga magulang na may anak na may autismo at upang maintindihan pa lalo ang kanilang kinakaharap na hamon araw-araw. Ang pakikipanayam sa walong (8) magulang ay nagbigay linaw sa problema at hamong nararanasan ng mga magulang sa kanilang anak na may autismo sa panahon ng pandemya. Thematic ang pagsusuri at inilapat sa datos sa pamamagitan ng coding, pagkakategorya, at pagbuo ng mga tema mula sa impormasyon ng mga magulang. Ang layunin ng qualitative phenomenological study na ito ay para tuklasin ang karanasan ng mga magulang sa pag-aalaga ng kanilang anak noong panahon ng pandemya. Phenomenological ang disenyo na ginamit sa walong magulang ng mga batang may ASD. Ayon sa resulta ay may tatlong tema: una ay ang suliranin na nararanasan ng mga magulang, na may anak na may autismo, na nakaranas ng mga pagkabalisa gaya ng kakulangan sa tulog, pagod, stress, kakulangan ng oras para sa sarili at takot na mahawaan ng virus noong panahon ng pandemya. Matinding hamon rin para sa mga magulang ang pinansyal, pag-aalaga at pagkatakot para sa kinabukasan ng kanilang mga anak na may ASD. Sa kabila ng lahat kahit na nahihirapan sa sitwasyon ay mayroon silang coping strategies upang malampasan at matanggap ang mga hamon kinakaharap ng mga magulang. Ito ay maluwag na pagtanggap, pagbibigay-oras sa sarili at paghingi ng tulong mula sa mga propesyunal. Nilalayong rin ng pag-aaral na ito na matulungan ang mga magulang ng mga batang may autismo. At kung ano pang pwedeng maging tugon para matulungang mapa-unlad ang kondisyon ng kanilang anak.
Keywords: Autism Spectrum Disorder, Pagkabalisa, Hamon, Karanasan ng mga magulang, Bacolod City, Negros Occidental
Files
✅ IMJRISE V1(5) 490-501 - 60 Karanasan-ng-mga-Magulang-na-may-Anak-na-Autismo-Sa-Panahon-ng-Pandemya.pdf
Files
(322.6 kB)
Name | Size | Download all |
---|---|---|
md5:4931529b12c26f1d7b080edfb7a3c1ad
|
322.6 kB | Preview Download |